Mga Serbisyo Ng At Mga Gastusin Sa Network; Pangangalagaan Ang Iyong Device - Nokia T10 User Manual

Hide thumbs Also See for T10:
Table of Contents

Advertisement

Available languages

Available languages

Nokia T10 User guide

MGA SERBISYO NG AT MGA GASTUSIN SA NETWORK

Kailangan ng koneksyon sa network ng ilang feature at serbisyo, o pag-download ng nilalaman,
kasama rito ang mga libreng item. Maaari itong magdulot ng paglilipat ng maraming data, na
maaaring magresulta sa mga gastusin sa data. Maaaring kailanganin mo ring mag-subscribe sa
ilang tampok.
Mahalaga: Maaaring hindi sinusuportahan ang 4G/LTE ng service provider ng iyong network o
ng service provider na ginagamit mo kapag naglalakbay. Sa ganitong mga kaso, maaaring
hindi ka makagawa o makatanggap ng mga tawag, magpadala o makatanggap ng mga
mensahe o gumamit ng mga koneksyon sa mobile data. Para matiyak na gumagana
nang mahusay ang device mo kapag hindi available ang buong serbisyo ng 4G/LTE,
inirerekomendang ilipat mo ang pinakamabilis na koneksyon mula sa 4G papuntang 3G. Para
gawin ito, sa home screen, i-tap ang Mga Setting > Network at Internet > Mobile network ,
at ilipat ang Gustong uri ng network sa 3G .
Tandaan: Posibleng pinaghihigpitan ang paggamit ng Wi-Fi sa ilang bansa. Halimbawa, sa EU,
pinapayagan ka lang gumamit ng mga 5150–5350 MHz Wi-Fi sa loob ng gusali, at sa USA at
Canada, pinapayagan ka lang gumamit ng 5.15–5.25 GHz Wi-Fi sa loob ng gusali. Para sa higit
pang impormasyon, makipag-ugnayan sa iyong mga lokal na awtoridad.
Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa service provider ng iyong network.

PANGANGALAGAAN ANG IYONG DEVICE

Pag-ingatan ang iyong device, baterya, charger at mga accessory. Tutulungan ka ng mga
sumusunod na mungkahi na panatilihing gumagana ang iyong device.
• Panatilihing tuyo ang device. Maaaring
naglalaman ng mga mineral na tumutunaw
ng mga electronic circuit ang ulan,
kahalumigmigan, at lahat ng uri ng mga
likido o pagkamamasa-masa.
• Huwag gagamitin o iimbak ang device sa
maalikabok o maruruming lugar.
• Huwag iimbak ang device sa maiinit na
temperatura. Maaaring mapinsala ng
matataas na temperatura ang device o
baterya.
• Huwag iimbak ang device sa malalamig na
temperatura. Kapag umiinit ang aparato
sa normal na temperatura nito, maaaring
maging mahalumigmig ang loob ng device
at sisirain ito.
• Huwag bubuksan ang device bukod sa
itinuro sa user guide.
• Maaaring masira ng mga hindi
© 2022 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan.
awtorisadong pagbabago ang device
at labagin nito ang mga regulasyong
namamahala sa mga radio device.
• Huwag ibabagsak, pupukpukin, o alugin
ang device o baterya. Maaaring masira ito
ng hindi-maingat na paghawak.
• Gumamit lang ng malambot, malinis,
tuyong basahan para linisin ang ibabaw
ng device.
• Huwag pintahan ang device. Maaaring
mapigilan ng pintura ang wastong
pagpapagana.
• Ilayo ang device sa mga magnet o mga
magnetic field.
• Para panatilihing ligtas ang iyong
mahalagang data, iimbak ito sa kahit
dalawang magkahiwalay na lugar, tulad ng
iyong device, memory card, o computer, o
isulat ang mahalagang impormasyon.
29

Advertisement

Table of Contents
loading

This manual is also suitable for:

Ta-1457Ta-1462Ta-1472Ta-1503Ta-1512

Table of Contents